Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Nag-aantay nalang ngayon ang Boracay Foundation Inc. (BFI) kung kailan sila ipapatawag ng LGU Malay kaugnay sa meeting ng 25+5 meter easement.
Ayon kay BFI Executive Director Pia Miraflores, nag-hihintay na umano ang mga stakeholders sa Boracay kung kailan sila magpupulong ng lokal na pamahalaan tungkol dito.
Una na umanong sinabi ng LGU Malay na ipapatawag sila para sa tatlong araw na meeting na magsisimula noong Agosto 14 hanggang Agosto 16.
Nagpaabot naman ang ilang mga stakeholders sa Boracay na tanggap na nila ang pagtanggal sa mga ilegal na istraktura o gusali sa isla.
Matatandaang ipinag-utos ng DENR na tanggalin ang mga gusaling pasok sa 25 meters mula sa beach line at 5 meters ang layo mula sa kalsada na tinatawag na 25+5 meter easement.
Sa ngayon hindi pa umano makakapagbigay si Miraflores ng pahayag kung kailan mauumpisahan ang pagtanggal ng mga etablisemyentong matatamaan ng 25+5 meter easement hanggat hindi pa sila naipapatawag ng lokal na pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment