Dapat na walang lugar sa Boracay ang illegal gambling.
Ito ang paninindigan ni Boracay Foundation Inc. (BFI) Jony Salme kasabay ng pasasalamat sa mga kapulisan sa pagsugpo sa mga illegal na sugal sa isla ng Boracay.
Nitong nagdaang Sabado lamang kasi ay naaresto ng mga pulis ang isang Korean National na sinasabing operator ng illegal na sugal sa isla at ang iba pang kasama nito.
Kaya naman pinuri nito ang mga kapulisan sa Boracay at iba pang law enforcers na kumilos upang masugpo ang nasabing illegal na gawain.
Sinabi pa ni Salme na sana ay maging leksiyon na rin ito upang ang mga establisemyentong nasangkot sa illegal gambling ay huwag nang gumawa pa ng mga ilegal na bagay sa isla.
Samantala, dahil maganda na umano ang takbo ng turismo sa isla, iginiit pa ni Salme na hindi na kailangan sa ating komunidad ang anumang illegal na bagay dito.
No comments:
Post a Comment