Matagumpay na ipinagdiwang ang paglulunsad ng “Boracay Day” at ang pangatlong taong selebrasyon ng Boracay Beach Management Program (BBMP) nitong Sabado ng gabi.
Kung saan, ito’y pinangunahan ng mga taga lokal na pamahalaan ng Malay ni mismong Malay Mayor John Yap.
Kasama ang mga taga Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), Boracay Foundation Inc. (BFI), Boracay Tourist Assistance Office (BTAC), ilang LGOs at NGOs, at ng mga stakeholders.
Tampok sa nasabing selebrasyon ang magarang salu-salo bago nagsimula ang programa at ang natatanging pagganap ng sikat na artist na si Joey Ayala.
Kasama sa kanyang performance ang mga aral tungkol sa kalikasan.
Anya, ang lahat ng bagay ay magkaugnay, may patutunguhan.
Dagdag pa nito na likas umano ang pinakamainam at walang libre dito sa mundo; mga paalaala mula sa kanyang awitin na talaga namang may katotohanan at katuturan sa ating buhay.
Kasunod noon ang pormal na pagsisimula ng programa na ini-host ni Acs Aldaba, BIWC Customer Service Officer at ang pagbibigay ng talumpati ni Miguel “Mike” Labatiao tungkol sa mga programa at proyekto ng mga taga Boracay Association of Scuba Diving Schools (BASS).
Hindi rin nagpahuli ang mga taga-DOST dahil sa nasabing selebrasyon kung saan nagbigay ng kanyang salaysay si Department of Science and Technology (DOST) Mike Montejo, patungkol naman sa mga plano at proyekto para sa Boracay Coral Restoration dito sa isla.
Dagdag ng huli nasa labing-apat na libo na mga fragments ang kanilang naitanim na, sa kailaliman ng baybayin ng Boracay at nasa limang milyong piso ang naka-atang na budget para sa isang taong proyekto at rehabilitasyon ng mga korales.
Kasabay noon ang pag turn over ng mga taga DOST sa nasabing proyekto kay Mayor Yap at ang pagbibigay ng mga certificate of appreciation sa lahat ng mga lumahok sa nasabing programa.
No comments:
Post a Comment