YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 21, 2013

Mga magulang at estudyante sa Boracay National High School, nagtulungan sa unang araw ng Brigada Eskwela 2013

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Dinaluhan ng mga estudyante at mga magulang ang unang araw ng Brigada-Eskwela sa Boracay National High School.

Ito ay sa layuning magkaroon ng malinis at maayos na mga silid aralan para sa pagbubukas ng eskwela ngayong taon.

Ayon kay Boracay National High School Principal II Almarie Vallejo, naging smooth umano at maayos ang unang pagbubukas ng Brigada Eskwela sa kanilang paaralan.

Sa aktibidad na ito, nagsama-sama at nagtutulungan sa paglilinis ang mga magulang at mag-aaral, bilang paghahanda ng paaralan para sa pasukan.

Dagdag pa nito ang mga nakiisa sa naturang brigada ay naging matulungin sa taunang proyrekto ng Deped para sa mag-aaral.

Ang Brigada Eskwela 2013 o ang National Schools Maintenance Week ay taunang aktibidad alinsunod sa direktiba ng Department of Education.

Nabatid na nagsimula kahapon ang Brigada-Eskwela na magtatapos naman sa darating na Sabado.

No comments:

Post a Comment