YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 22, 2013

Ordinansang nagbabawal sa mga establishemento sa Boracay na maglagay ng basement, mainit na tinalakay sa SB session

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Mainit na tinalakay sa Sb session kaninang umaga ang tungkol sa ordinansang nagbabawal sa paglagay ng mga basement ng mga establishemento sa Boracay.

Base sa ordinansang ito na inisponsoran ni SB member Rowen Aguirre, kailangan umanong protektahan ang water level ng Boracay lalo pa’t may ilang mga resort sa isla ang nagpa-pump ng tubig galing sa mga hinukay na basement at pinapadaloy papuntang dagat.

Bagay na sinang-ayunan naman ni SB member Esel Flores, lalo pa’t malubha umanong mapanganib kung magpapatuloy ang nasabing aktibidad ng mga nasabing establisemyento.

Ayon pa kay Aguirre, kailangan ang mga basement umanong ito ay para lamang paglagyan ng mga generators, laundry, parking area at mga hotel amenities.

Samantala, dahil may pagkamabusisi pa ang nilalaman ng nasabing ordinansa, ang ganitong usapin ay kailangan ding ikunsulta muna sa municipal engineer ng Malay.

No comments:

Post a Comment