Hiniling ng LGU Malay sa Aklan provincial government na taasan ang singil sa environmental fee ng mga turistang pumupunta sa isla ng Boracay.
Base sa panukalang inihain ni SB member Wilbec Gelito sa nakaraang session nitong Martes sa bayan ng Malay.
Nais umano niya na ang dating 12% environmental fee ay magiging 20% na sinang-ayunan naman ng mga kasamahang konsehal.
Nais din umano ng barangay Caticlan na madagdagan din ang kanilang parte kayat gusto din umano nilang mapataas ang pagsingil ng terminal fee.
Ayon naman kay Sb Rowen Aguirre, kung sakaling matuloy ang nasabing panukala ay mapupunta din umano ang magiging parte ng LGU Malay sa ilang mga proyekto ng lokal na gobyerno partikular na sa isla ng Boracay.
Samantala, ang nasabing panukala ay dadaan pa sa deliberasyon ng Aklan provincial government.
No comments:
Post a Comment