YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 21, 2013

Mga illegal structures sa isla ng Boracay, patuloy na minomonitor ng LGU Malay

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Patuloy pa rin umanong minomonitor ng LGU Malay ang mga illegal structures sa isla ng Boracay.

Ayon kay Municipal Engineer Elizer Casidsid, may mga nagpapatayo ng illegal structures na walang sapat na permit galing sa munisipyo ng Malay.

Dagdag pa nito, noong nakaraang linggo umano ay may nahuli silang lumabag sa batas at patuloy na gumagawa ng mga illegal structural buildings na mahigpit nilang ipinagbabawal dito sa isla ng Boracay.

Aniya, ang pagkakaroon ng sapat nga mga papeles ay mahalagang bagay noon paman upang hindi sila masita ng mga kinauukulan.

Samantala, patuloy umano nilang minomonitor ang kung sino mang lalabag sa nasabing batas at handa umano sila sa mga pagsaway sa mga ito.

No comments:

Post a Comment