Pinasalamatan ni Malay Mayor John Yap ang mga sumuporta sa BBMP at Boracay Day nitong Sabado.
Sa ginanap na fellowship night ng anibersaryo ng BBMP o Boracay Beach Management Program at launching ng Boracay Day nitong Sabado ng gabi, kinilala ng alkade ang naging partisipasyon ng mga stakeholders at mga indibidwal sa isla upang magtagumpay ang mga nasabing aktibidad.
Ilan sa mga pinasalamatan ni Yap ay ang mga lumahok sa mahigit-kumulang dalawang linggong aktibidad ng Boracay Day, katulad ng beach clean-up at tree planting.
Maging ang mga taga-pribadong sektor na nag-commit o nangako ng suporta sa mga programa ng BBMP ay kanya ring kinilala at pinuri.
Bagama’t aminado ito na marami pang mga bagay na dapat ding tutukan sa isla, iginiit din nito na dapat ang diwa ng voluntarism at pagmamalasakit para sa isla ay magpapatuloy para sa kapakanan ng lahat.
Ang BBMP at Boracay Day ay ang mga aktibidad na isinulong ng LGU Malay na tumutok sa pangangalaga ng kalikasan, partikular ng Boracay.
No comments:
Post a Comment