Hindi pa malinaw kung matutuloy ngayong buwan ang demolisyon
sa lahat ng illegal structure sa Boracay.
Ito ang nilinaw ni Department of Tourism Region 6 Director Atty.
Helen Catalbas na siyang tinalaga na spokesperson ng National Task Force: “Bantay
Boracay”.
Sa panayam kay Catalbas, sinabi nito na nakatakda palang na
pag-usapan nila sa National Technical Working Team sa darating na ika-25 ng Pebrero ang resulta
ng isinagawang consultation sa Boracay noong ika-16 ng Enero, para sa gagawing
nilang finalization.
Kaya wala pa umanong linaw ngayong kung kailan ito gagawin.
Kung saan ang tinuturong dahilan naman kung bakit wala pang
linaw ang balak na demolisyon sa lahat ng illegal structure sa Boracay ay dahil
hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napadalhan ng Notice of Violation ng DENR
ang mga establishementong sinasabing illegal sa Boracay.
Kung maaalala, una ng sinabi ni PENRO Aklan Iven Reyes na
ngayong Marso o Abril ay isasagawa na ang paglilinis sa beach ng Boracay na
nakapasok sa 25+5 meter easement.
Ang National Task Force Bantay Boracay ay kinabibilangan ng
mga Departments of Justice, Local Government, Tourism, Public Work and Highway
at Environment. #ecm012013
No comments:
Post a Comment