Reklamo na ipinagbabawal di umano ang mga vendors sa Brgy.
Balabag.
Kaya naman nagkukumahog ang Sangguniang Bayan ng Malay
ngayon, kung anong aksiyon ang gagawin nila sa reklamo na ipina-abot ng
asosasyon ng mga vendors dahil sa tinataboy na umano ang mga ito sa nasabing
Barangay.
Ito isa sa mga inilatag sa sesyon ng konseho kahapon ni Vice
Mayor at Presiding Officer Ceceron Cawaling, kung saan ay nagtataka pa nga ang
mga ito.
Dahil sa pagkaka-alam umano nila, hindi kailan man ipinagbabawal
ang maglako sa front beach, basta huwag lang sa baybayin talaga.
Maliban dito, ang alam umano nila na naa-ayon sa ordinansa
sa Boracay ay nireregulate lamang ang mga vendors na ito at kailan man ay hindi
ipinagbabawal.
Sa panig kasi ni SB Member Dante Pagsugiron, ang mga vendors
ay bahagi na rin ng turismo sa Boracay kaya hindi dapat ipagbawal, sa halip ay
hanapan lang umano ng lugar para maging maaayos naman.
Dahil dito, nagpasya ang SB na imbitahan ang opisyales ng Brgy.
Balabag sa SB ng sa ganoon ay matanong sila hinggil dito.
Nagsuhestiyon din si SB Member Wilbec Gelito na kung maaari
ay pati ang opisyales ng dalawa pang barangay sa Boracay ay ipatawag din
kaugnay dito. #ecm012013
No comments:
Post a Comment