Ang mga kakulangan nitong nagdaang taon ng 2012 ay dapat
punuan ngayong 2013.
Ito ang sinabi ni Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño sa panayam ng himpilang ito, kaugnay sa unang pagpupulong ng mga taga
BAG o Boracay Action Group ngayong taon.
Matapos pasalamatan ang mga naging kontribusyon ng mga taga
pribado at business sector at iba pang miyembro ng BAG, hinimok ni Sacapaño na
magtulungan ang mga ito para mapanatili ang kung anuman ang narating ng islang
ito, katulad ng pagiging premier tourist destination.
Naniniwala umano kasi ito na ang pagkakaisa ng lahat kasama
ang Boracay Action Group ay may malaking maidudulot para sa isla.
Ang Boracay Action Group ay nasa mahigit dalawang taon nang
naitatag, matapos itong naging Boracay Action Team na binubuo ng mga volunteers
mula sa iba’t-ibang sector sa isla. #bd012013
No comments:
Post a Comment