Naging matagumpay at mapayapa ang halos isang linggong
Ati-ati sa bayan ng Ibajay.
Kung saan nagtapos ito sa paraan ng prusisyon at pagbalik sa
mirakulo ng imahe ni Sr. Sto. Niño sa kumbento nang ilipat ito noong Sabado,
ika-26 ng Enero, mula sa simbahan ng St. Peter sa nasabing bayan.
Sa isang linggoong selebrasyon, pinangunahan ng pamahalaang
lokal ng Ibajay ang mga aktibidad sa Municipal Plaza, habang Parokya naman ang
sa aktibidad ng Simbahan.
Nagpakita din ng partisipasyon ang 35 barangay sa bayan para
sa 2013 Ati-Ati at 19 pa sa mga ito ang sumali talaga sa patimpalak ng mga
tribo at kanilang mga float ng kanilang mga produkto. #ecm012013
No comments:
Post a Comment