Isuspinde muna ang pagrerequire ng x-ray examination sa
lahat ng mga empleyado sa Boracay.
Ito ang hiling ni Sangguniang Bayan Member Dante
Pagsuguiron.
Sa kanyang privilege speech sa SB Session kahapon, hiniling
ito ng konsehal dahil nagpapahirap ito sa mga empleyado at ganoon din sa
employer.
Anya, sa bilang ng mga x-ray machine sa Boracay ngayon,
kulang na kulang ito sa dami ng empleyado sa isla kaya naaantala ang proseso sa
pagre-renew ng business permit.
Bunsod nito, gagawa na lamang umano ng sulat ang SB sa
alkalde na naglalaman ng kanilang apela.
Nakita kasi umano nila na naging rason pa ito ng delay lalo
pa at isa pang hinihintay ang resulta na isang linggo pa ang hihintayin bago
ibigay, dagdagan pa ng sangkatutak na requirements. #ecm012013
No comments:
Post a Comment