Nagpalabas ngayon ng transmittal letter ang opisina ni
Administrator Glenn Sacapaño, bilang pagdepensa tungkol sa pagproseso ng mga
business permit.
Ito’y may kaugnay sa komento ng SB Malay na umano’y mabagal na
pagproseso ng mga business permits, maliban pa sa paghingi ng mga umano’y
walang basehang requirements.
Nakasaad sa sulat na ipinadala ni Sacapaño sa YES FM Boracay
News Center, na ang mga puna sa sistema at pagproseso sa pagkuha ng mga
business permits ay bukas para sa pagpapabilis nito.
Ang mga requirements umano kasing ito ay malaking paraan
upang mapangalagaan ang isla ng Boracay, maliban pa sa ang mga ito ay nag-ugat
sa mga ordinansang pinag-iisipan, ipinasa at isinabatas ng mismong Sangguniang
Bayan mismo.
Kung may mga hindi pagtalima o pagsunod sa mga batas
regulasyon at ordinansa na nakakasira sa isla.
Ang mga requirements din umanong ito ay maaaring gamitin
upang maiwasto ang anumang paglabag sa mga ito.
Naniniwala pa si Sacapaño na ang mga kakulangan sa mga
requirements marahil ang nagiging sanhi ng pagtagal o pagbagal ng proseso.
Kaugnay nito, nananawagan din ang nasabing administrador na
magtulungan ang lahat kasama na ang nagkomentong SB upang mapabuti ang mga
naturang pagproseso.
Matatandaang pinuna ng SB Malay ang umano’y mabagal na
serbisyo at pagrelease ng mga pampublikong mga dokumento sa mismong sesyon ng
Malay kamakailan lang. #bd012013
No comments:
Post a Comment