Ganoon pa rin ang [ating] security preparations.
Ito ang kampanteng sinabi ni Police Senior Inspector Joeffer
Cabural, hepe ng Boracay PNP Station, kaugnay sa pagdating ng dalawang cruise ship
sa darating na Pebrero at Marso.
Base umano kasi sa kanilang pagpupulong kasama ang Boracay
Action Group, DOT, at pamunuan ng Cagban at Caticlan Jetty Port kamakailan
lang, ang anchorage o pagdadaungan ng mga nasabing barko ay doon din dati sa
kung saan dumaong ang Royal Caribbean nitong nagdaang buwan ng Oktubre ng
nagdaang taon.
Ibig sabihin, hindi sila dadaong sa front beach, kundi sa
pagitan ng Caticlan at Boracay.
Bagama’t hindi na nito dinitalye pa ang tungkol sa kung
gaano karami at kung saan ipapakalat ang mga pulis para dito, sinabi ni Cabural
na mas maliit lamang ang darating na cruiseship kung ikukumpara sa Royal Caribbean.
Ang pagdating ng mga bibisitang cruiseship sa isla ng
Boracay ay isa sa mga pinaghahandaan ngayon ng pamahalaang probinsya at ng
Departamento ng Turismo. #bd012013
No comments:
Post a Comment