Posted February 15, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Walong mga batang
Aklanon sa Elementarya na galing sa
pampubliko at pribadong eskwelahan ang nakapasa sa National Competitive
Examination na ibinigay ng Department of Science and Technology – Philippine
Science High School (DOST-PSHS) noong nakaraang taon ng Oktubre 22.
Nabatid na ginawa
ang eksaminasyon sa Northwestern Visayan Colleges (NVC) sa Kalibo, Aklan.
Kaugnay nito, apat
sa mga pumasa dito ay galing sa Aklan Learning Center (ALC), isa sa New
Washington Elementary School, Rysa
Antonette Ang ng Infant Jesus School,
Jashley Kate Paloma ng Echelon Development School at Rein Margarette Sarmiento ng Kalibo Integrated
Special Education Center (KISEC).
Samantala, ito
umanong mga scholars na kabataan ay magkakaroon ng libreng tuition fee, libreng
pag -gamit ng libro, libreng “stipend” at uniform, transportasyon at “living
allowance”.
Ang PSHS ay isa
umanong ahensya na konekatado sa DOST.
No comments:
Post a Comment