Posted February 17, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakda umanong taasan ang premyong matatanggap ng mga
mananalong tribu na sasali sa Ati-atihan sa susunod na taong 2018.
Nabatid kasi na ang kabuuang subsidy na inilabas sa
tatlumpung sumali sa 2017 Ati-Atihan ay nagkakahalaga ng P882,500 kung saan
nai-uwi ng Tribal Big ang P47,000, P30,000 naman sa Tribal Small habang P23,500
ang naiuwi ng Balik-Ati at modern group na tumanggap ng P18,000.
Ayon kay Albert Menez,chairman ng Kalibo Sto. Niño
Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi), nasa dalawampung porsyento ang inaasahang
idadagdag sa dating kabuuang subsidy kung saan ang nasabing dagdag ay magmumula
sa savings ng Ati-Atihan ngayong taon.
Asahan naman umano ng mga merrymakers ang bagong events
sa 2018 kung saan ang bagong aktibidad sa turismo ay ipapakilala sa weeklong
celebration ng Kalibo Ati-atihan para mas makapag-engganyo pa ng maraming turista.
Samantala, ang selebrasyon ng "Mother of All
Philippine Festivals" ay magsisimula sa Enero 12 hanggang 21 taong 2018.
No comments:
Post a Comment