Posted February 14, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog sa ginanap na
session nitong Martes sa Sangguniang Bayan ng Malay.
Ang komento ay nag-ugat pagkatapos ng presentasyon ni
Engr. Arnold Solano, OIC ng Solid Waste Management ang estado ng mga basura sa
isla kung saan ito ay kinabibilangan ng tatlong barangay sa Boracay.
Ikinagulat ni Sualog ang umano’y pagkakaiba ng
presentasyon ni Solano sa aktwal na itsura ng Manoc-manoc centralized MRF na
ayon pa sa Vice Mayor na ang mabahong amoy nito ay nalalanghap ng mga residente
malapit doon.
Isa-isa ring inusisa ng mga SB Memebrs kung ano ang mga
pagbabagong ginagawa ng Solid Waste lalo na sa pag-kolekta at pag-ayos ng
Centralized MRF sa Manoc-manoc.
Tanong ni SB Bautista, paano umano makokolekta ang lahat
ng basura sa isla kung sa kontrata pa lang ng haulers ay hindi nababayaran kung
saan sinagot naman ito ni Solano na naipasa na umano ang budget nito sa
accounting office pero hindi niya alam kung bakit hindi pa naibibigay.
Maliban kay Solano, naging bisita rin sina Alma
Belejerdo- MPDC-BAC Chairman, Shala Amacio-MRF Supervisor at Charlie Solis
Hauler-Residual Waste.
No comments:
Post a Comment