Posted February 17, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Base sa talaan ng Philippine Statistics Authority sa
Aklan, ang kabuuang numero ng registered marriage ay bumaba mula sa 3, 148 sa
taong 2015 kumpara ngayon na may 2, 932 na lamang.
Ang bayan ng may pinakamalaking drop sa bilang ng mga
marriages ay ang Buruanga na may 50% na sinusundan ng Batan at Balete.
Sa ibang datos, nagtala naman ng may pinakamataas na
bilang ng nagpakasal ang bayan ng Lezo na may 74 % sumunod ang New Washington
at Numancia.
Sa labing- pitong munisipalidad, ang may pinakamataas na nai-rekord
na marriages ay sa bayan ng Kalibo na
may 588, Malay na may 329, at New Washington na may 233.
Nabatid na ang buwan ng Mayo ang may mataas na bilang ng
nagpakasal kung saan ang Nobyembre ang may pinakamababang bilang.
Karamihan sa kasal na isinagawa sa probinsya ay ang civil
ceremony sinusundan ng Roman Catholicism at kasal na isinagawa ng ibang
relihiyon.
Samantala, ayon kay PSO Antonet B. Catubuan, ang mga
datos na ito ay base sa mga kinuhang certificate ng kasal na isinusumite bawat katapusan ng buwan ng mga
local civil registry ng bawat bayan.
No comments:
Post a Comment