YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 13, 2017

DPWH, hiniling sa SoKor na punduhan ang Guimaras Bridge Project

Posted February 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for guimaras bridgeHiniling ng Department of Public Works anfgd Highways (DPWH) sa South Korean government ang pagpupundo para sa posibilidad na pagpapatayo ng tulay na magkokonekta sa Guimaras at Iloilo.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, sa pagbisita umano ni Senator Franklin Drilon noong nakaraang buwan ng Enero ay nagbigay na umano ito ng sulat sa Seoul para sa financial assistance na gagamitin para pag-aralan ang mga gastos na gagamitin para sa pag-bebenipisyo ng 2.6-kilometer Iloilo-Guimaras bridge.

Sinabi ni Drilon sa pagbisita sa inagurasyon ng P180-million Muelle Loney Bridge sa bagong terminal ng Iloilo City, ito umanong tulay ay makakaya nilang tapusin dahil hindi masyadong mahaba ang span nito at hindi rin mahirap pondohan ito.

Samantala, kinumpirma naman ni Singson na ito umanong proyekto ay technically at structurally na magagawa subalit sinabi nito na kailangan pa nila ng pag-aaral ukol sa posibilidad na pag-papagawa.

At kung sakali man umano ang cost-benefit na inisyu dito ay sakto ay hindi ito problema sa pagpagawa.

Nabatid na sumulat umano ang Regional Development Council of Western Visayas kay Singson noong nakaraang taon hinggil sa naturang proyekto.

Kaugnay nito, sinabi naman ni National Economic and Development Authority Regional Assistant Director Raul Anlocotan ang naturang tulay umano ay isang malaking suporta para sa provincial governors at congressmen dahil naniniwala sila na ang mga proyekto ay mapalakas ang economic growth ng Guimaras.

Dagdag pa ni Anlocotan na ang Guimaras umano na matatagpuan sa southeast ng Panay ay maaring i-promote bilang alternatibong island destination.

No comments:

Post a Comment