Posted February 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nasa 250 na
negosyante sa Aklan ang nakinabang sa Bottom-Up-Budgeting program ng Department
of Trade and Industry- Aklan.
Ang pondo ng
nakaraang taon ng BUB na nagkakahalaga ng P0.5M P0.7M at P0.5M ay tinurn-over
ng bayan ng Libacao, Kalibo at Nabas.
Ang bayan ng
Libacao ay isa sa napiling pondohan kung saan ginugol ito sa mga livelihood
projects at pagsasanay sa mga magsasaka kung paano mag umpisa ng sariling
pagkakakitaan.
Kabilang dito ang
skills training on Wood Craft Making at Marketing promotion assistance maliban
pa sa dalawang nakabinbin na aktibidad para sa naturang BUB project sa Libacao.
Samantala sa bayan
ng Kalibo, pitong aktibidad ang sinuportahan tulad ng fiber at food industries maliban
sa benchmarking mission na nakatakdang umpisahan sa unang semester ngayong
taon.
Isang daan at
animnaput-siyam naman na mga negosyante ang sinanay ng isinagawa itong programa.
Kaugnay nito, isa
sa mga naging highlights ng BUB sa Kalibo ang pag-award sa apat na NegoCarts o (food
carts) sa mga negosyanteng Kalibonhon.
Sa resulta umano
ng DTI BUB projects, inaasahan ng kagawaran na makatulong ang programa sa mga bagong
negosyante para mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Inaasahan naman
na marami pang partisipante ang maka-benepisyo ngayong taon.
No comments:
Post a Comment