YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 26, 2014

(Update) Suspek sa shooting incident sa Unidos, Nabas, Aklan nitong nagdaang Linggo, kinasuhan na

Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kinasuhan na ang suspek sa nangyaring pamamaril sa Kapitan sa Unidos, Nabas, Aklan nitong nagdaang Linggo.

Ito ang kinumpirma ni Nabas PNP Chief Inspector Arnolito Laguerta.

Anya, hindi rin umano muna sila makakapagbigay ng iba pang impormasyon dahil bineberipika pa ang ilang mga mahahalagang detalye tungkol sa nangyaring insidente.

Samantala, magugunitang ikinasawi ng kapatid ng kapitan na si Ropel Berondo at ikinasugat ng iba pa ang nangyaring pamamaril sa lugar na sinasabing nag-ugat sa awayan sa lupa.

Kaagad namang naaresto ang suspek matapos kumpirmahin ni Nabas PNP Chief Inspector Arnolito Laguerta na nahuli ito sa tulong ng New Washington (Aklan) Police Station dahil sa nakalap na community report.

Ayon sa naunang mga ulat, ang suspek na si Johnson Culumbres ang itinuturo ni Barangay Captain Dante Berondo na siyang nagpaputok ng baril sa bilyaran.

Samantala, sinasabi rin na umano’y kasama ng suspek ang pamangkin nito nang mangyari ang krimen.

No comments:

Post a Comment