YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 24, 2014

Mga batong sagabal sa pagdaong ng mga bangka sa Tambisaan port, tinanggal na

Posted June 24, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sagabal umano sa pagdaong ng mga bangka sa Tambisaan port ang mga malalaking bato doon.

Kaya naman pinagtulungan ng mga bangkero at mga divers na talian at tanggalin ang mga nasabing bato.

Ayon pa sa mga bangkero, nahihirapan silang dumaong sa pantalan lalo na kapag low tide o mababa ang tubig.

Maaari umano kasing masira ang kanilang mga bangka, maliban sa paisa-isang bangka lang ang makakalapit sa hagdanan upang magbaba ng mga pasahero.

Samantala, naabutan pa ng Yes FM Boracay kaninang umaga ang mga bangkero at divers na ikinakarga sa bangka ang mga tinanggal na bato.

Ililipat umano nila ang mga ito upang maging tirahan ng mga isda sa di kalayuan ng pantalan.

No comments:

Post a Comment