YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 24, 2014

British National sa Boracay, nabangga ng top down

Posted June 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Siya na ang umiwas siya pa ang naperwisyo.

Ito ang sinapit ng isang top down driver sa Boracay, matapos aksidente nitong mabangga ang isang nagmamanehong foreigner kaninang umaga.

Umiiwas kasi sana ito sa isang makasalubong na dump truck, subalit siya naman ang nadisgrasya.

Ayon sa report ng Boracay PNP nangyari ang aksidente kaninang alas-11 ng umaga kung saan itong mini dump truck ay sinalubong itong top down kung saan umiwas naman ito dahilan para mawalan siya ng control at mapunta sa kabilang linya ng kalsada.

Dahil dito nasagi naman ng driver ng top down ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang British National na kinilalang si Paul Marshall kung saan ito din ang naging dahilan para mawalan ng control ang biktima at mahulog sa kaniyang minamanehong motorsiklo.

Nagtamo naman ang biktima ng ibat-ibang sugat sa katawan kung saan agad din itong isinugod sa isang klinika sa isla ng Boracay subalit dahil sa matinding sugat nito nagpasya ang pagamutan na dalhin nalang ito sa isang pribadong hospital sa bayan ng Kalibo para sa proper medication.

Nabatid rin na nagkaroon ng verbal agreement sa dalawang partido kung saan itong nakabangga sa biktima ay nangakong siya ang magbabayad sa lahat ng gastusin sa hospital.

No comments:

Post a Comment