YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 23, 2014

Lalaking bumibili ng kandila, umano’y binantaan at tinakot na barilin

Posted June 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Takot at pangamba ang nag-utos sa isang lalaki sa Boracay na sumugod sa Boracay PNP station kagabi.

Binantaan at tinakot umano kasi ito na babarilin habang bumibili ng kandila.

Kuwento ng nagrereklamong si Ritchie Venus ng Hambil Romblon sa mga pulis, mag-a-alas onse kagabi nang nilapitan sya ng suspek na kinilalang si “Bembol” at umano’y kumuha ng baril at nilagyan ng bala sa kanyang harapan.

Dagdag pa ng biktima na nagbanta din umano ang nasabing suspek na papatayin ito at nagpakawala pa ng ilang mga hindi magagandang salita.

Samantala, hindi naman natukoy ng biktima kung anong klaseng baril ang dala-dala ng suspek at minarapat nalang nitong idulog sa Boracay PNP ang nasabing kaso.

Hindi rin nito naikuwento sa mga pulis kung ano ang naging dahilan ng suspek kung bakit ito nagalit sa kanya.

No comments:

Post a Comment