YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 26, 2014

Boracay Life Guard, nagdagdag na ng mga kagamitan bilang paghahanda sa Habagat

Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagdagdag na ng mga kagamitan ang Life Guard Boracay upang mas lalong mapaghandaan ang panahon ng Habagat.

Ito ang kinumpirma ni Life Guard Supervisor Mike Labatiao, kung saan ayon sa kanya maliban sa mga nadagdag na torpedo buoy, ring bouy, life jacket, First Aid Kit at teleskopyo ay dinagdagan rin ang mga stretcher at radyo.

Samantala, muli namang nagpaalala si Labatiao sa mga maliligo at mahilig sa Sea and Water Sports Activities na mag-ingat lalo na’t kung may kalakasan ang alon.

Payo din nito sa mga divers na sundin ang mga paalala para masiguro na rin ang kaligtasan ng mga turista sa Boracay, lalo na’t isa ito sa mga itinuturing na pinakamagandang isla sa mundo.

No comments:

Post a Comment