YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 25, 2014

Pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa probinsya ng Aklan, naging matiwasay

Posted June 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.google.com
Naging matiwasay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa probinsya ng Aklan kahapon.

Ayon kay APPO Public Information Officer P03 Nida Gregas, mahigpit ang kanilang pag-momonitor sa mga baybayin sa probinsya kung saan dinagsa ito ng maraming taong gustong maligo.

Nabatid na ang bayan ng New Washington sa Aklan ang isa sa mga dinadayo ng mga tao tuwing San Juan dahil sa maganda nitong baybayin.

Ayon naman sa New Washington PNP, wala silang naitalang malaking insidente kahapon maliban umano sa iilang away lasing na agad namang naayos.

Napag-alaman rin na patuloy ang ginawang pagbabantay ng Philippine Coastguard para tiyakin ang kaligtasan ng mga maliligo gayon din ang Philippine National Police na nagpapatrolya sa mga lugar na dinayo ng mga nagdiwang ng kapistahan ni San Juan de Bautista kahapon.

No comments:

Post a Comment