Tapos na ang report ng Technical Working Group para sa isla ng Boracay.
Ito ang kinumpirma ni DOT Region 6 Director Atty. Helen Catalbas sa ginanap na presscon nitong Biyernes.
Subali’t naging maingat ito sa pagbigay ng detalye hinggil sa binuong Technical Working Group ng Pangulong Benigno Aguino III para sa Boracay.
Ipinaliwanag ni Catalbas na si Secretary Jimenez lang ang otorisadong magbigay ng impormasyon hinggil sa mga napagkasunduan at ilang detalye sa isinagawang pulong ng limang departamento ng gobyerno na bahagi ng Technical Working Group.
Ang Technical Working Group ay binubuo nina Tourism Secretary Ramon Jimenez, DENR Secretary Ramon Paje, DILG Secretary Mar Roxas, at DOJ Secretary Liela de Lima na babalangkas ng plano para mapreserba ang Baguio at Boracay na siyang pangunahing tourist destination sa Pilipinas.
Nabanggit din ni Catalbas na nag-usap na sina DOT Under Secretary Jasmin at Mayor John Yap para sa karagdagang suhestyon at implementasyon sa aspetong turismo.
Dagdag pa nito na ang natapos na report ng fact-finding sa isinagawang eksaminasyon at imbestigaysyon sa Isla ng Boracay ay isusumite sa Office of the President.
Maaalala na ang pangulo ay nagpalabas ng Memurandum Circular No. 47 s.2013 na may atas sa mga ahensya at departamento ng gobyerno kasama na ang LGU na suportahan ang nasabing Technical Working Group para mapreserba ang Baguio at Boracay.
No comments:
Post a Comment