YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 17, 2013

Bidding para sa hosting ng APEC, sa katapusan ng Hunyo pa malalaman

Ni Mark Anthony Pajarillo, YES FM Boracay

Sa katapusan ng Hunyo pa malalaman ang bidding para sa hosting ng APEC o Asia Pacific Economic Conference.

Ayon kay DOT o Department of Tourism Regional Director Atty. Helen Catalbas, inaasahang malalaman ang resulta bago matapos ang buwan ng kung makukuha ba ang bidding ng Boracay bilang isa sa mga lugar na pagdarausan ng nabanggit na forum.

Kabilang sa listahan ng mga nagpa-bid na lugar ay ang mga sumusunod: Metro Manila, Tagaytay,Clark, Subic, Cebu, Davao, Iloilo, Bacolod, Albay at Boracay.

Dagdag pa ng mga taga-DOT, ang Region VI lang umano ang tanging rehiyon na may tatlong potensyal na lugar na pwedeng pagdausan ng nasabing forum, at ito ay ang Bacolod at Iloilo City at dito sa isla ng Boracay.

Samantala, hindi umano katulad sa Region VII na isa lang ang pwedeng pagdausan ito ay ang lalawigan ng Cebu at sa buong Mindanao naman ang lalawigan ng Davao.

Kaugnay nito, umaasa naman si Catalbas na makuha ang tatlong lugar na ito sa Region VI.

Kaya aasahang bago matapos o sa katapusan ng buwang ito, bilang pangako ng mga taga National Organizing Council malalaman ang magiging resulta ng nasabing bidding.

Ang APEC o Asia-Pacific Economic Conference ay isang forum ng dalawampu’t isang bansa na napapaligiran ng Karagatang Pasipiko o mga rehiyon, upang talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon, kalakalan at pamumuhunan.

No comments:

Post a Comment