Magiging mas istrikto na umano ang Caticlan Jetty Port Administration sa pagpapatupad ng “one-entry-one- exit policy” sa Boracay.
Ayon kay Marz Bernabe ng Caticlan Jetty Port, gagamit lang umano sila ng ibang pier sa Boracay at Caticlan kung sakaling may banta ng sama ng panahon katulad ng dinadanas na Habagat season ngayon.
Aniya, istrikto na sila ngayon dahil meron na umanong mga illegal na bangkang bumibiyahe papuntang Boracay na hindi sa Cagban Jetty Port dumadaong.
Matagal na umano nila itong inaksyunan ngunit patuloy pa rin ang ilang mga pasaway na bangkerong hindi marunong sumunod sa batas na ipinapatupad ng Caticlan Jetty Port Administration.
Samantala, sinabi din ni Bernabe, na handa na rin umano sila sa nararanasang Habagat season na nagpapalakas ng hangin at alon sa karagatan.
Mayroon naman umanong bibiyaheng fast craft na siyang mag sasakay ng mga pasaherong patawid ng Boracay o Caticlan kung magkakaroon man ng banta ng sama ng panahaon.
Matatandaang nitong Hunyo a-trese ay nagpatawag si Aklan Governor Carlito S. Marquez ng isang special meeting para sa mga miyembro ng Task Force Bantay Boracay na ginanap sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment