Tinalakay sa ipinatawag na press conference ng DOT 6 ang ibat-ibang usapin tungkol sa isla ng Boracay.
Ilan sa mga nasabing suliranin ay ang naranasan ng turismo dahil sa sigalot na namagitan sa Taiwan at Pilipinas sanhi ng pamamaril ng taga Philippine Coastguard sa isang Taiwanese fisherman kamakailan.
Kung saan aminado si DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas na maraming resort sa Boracay ang naapektuhan dahil sa booking cancellations ng mga Taiwanese.
Naging mainit din ang namagitang dayalogo sa pagitan ni Catalbas at ng mga taga local media kaugnay sa problema sa mga tinawag niyang “tour guide kuno”sa isla ng Boracay.
Kung saan maging si Boracay DOT officer Tim Ticar ay muling iginiit ang kahalagahan ng mga lisensyadong tour guide.
Nangako naman si Catalbas na ang mga nasabing problema sa Boracay ay kanilang aaksyunan.
Samantala, dumalo rin at nakibahagi sa nasabing presscon ang ilang resort owners sa isla, na ginanap naman sa isang convention center dito.
No comments:
Post a Comment