YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 17, 2013

DOT, magpo-focus sa ibang tourism market

Ni Kate Panaligan at Malbert Dalida, YES FM at Easy Rock Boracay

Aminado ang DOT Region 6 na naapektuhan ang turismo sa rehiyon dahil sa naging konplikto sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Sa ginanap na press conference noong June 14, 2013, sinabi ni DOT Region 6 Regional Director Atty. Helen J. Catalbas na ang mga resorts sa Boracay partikular ang mga Taiwanese Dependents ay naapektuhan ng mga booking cancellations ng mga tinatawag na “group tourist Taiwanese”.

Sa record na inilabas ng DOT, sinabi ni Catalbas na pumapangalawa ang mga turistang Taiwanese sa over all tourist arrivals na may kabuuang 93,500 nitong nagdaang taon.

Subali’t bumaba umano ito dahil sa nasabing konplikto.

Matatandaang nag-ugat ang nasabing girian sa pagitan ng dalawang bansa sa nangyaring pamamaril sa Balintang Channel ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard sa isang Taiwanese fisherman kamakailan lang.

Dagdag pa na ipinagbawal ng Taiwanese government sa anumang Taiwanese travel agency na mag-promote at tumanggap ng mga tour packages mula sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Catalbas na magpo-focus ang DOT sa iba pang tourism market.

No comments:

Post a Comment