Tumaas pa rin ang tourist arrivals sa isla ng Boracay sa kabila ng tensyon ng Taiwan at Pilipinas.
Ayon kay DOT Boracay Officer-in-Charge Tim Ticar, tumaas pa rin ng 8.8% ang mga bumibisita dito sa isla ng Boracay simula nitong buwan ng Enero hanggang Mayo, kumpara noong nakaraang taon ng 2012 sa naitala nilang record na umabot lamang sa 616,210.
Umabot ang mga naitala nilang turista ngayong taon ay 670,479 sa loob lamang ng limang buwan.
Samantala, bumagsak naman ng 57% ang mga turistang Taiwanese na bumisita sa isla mula sa 8,035 nitong Mayo ng nakaraang taon sa 3,395 nitong taong 2013.
Aniya, malaki ang epekto ng mga Taiwanese National sa isla nang nagkansela sila ng kanilang mga booking sa mga hotels at resorts na ikinalungkot naman ng mga owners.
Matatandaang nagpalabas ng travel ban ang Taiwanese Government sa Pilipinas, sanhi ng alitang nag-ugat sa pamamaril ng Philippine Coast Guard sa isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel kamakailan lang.
No comments:
Post a Comment