YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 15, 2013

Problema tungkol sa mga batang nagkakalkal at nagkakalat ng basura sa Boracay, inaksyunan na ng LGU at DSWD

Ni Peach Ledesma at Bert Dalida, YES FM Boracay

Inaksyunan na ng Lokal na pamahalaan ng Malay ang problema tungkol sa mga batang nagkakalkal ng basura sa Boracay.

Kung saan kasama ang mga taga DSWD ay hinuli na umano ang mga ito kasama ang kanilang mga magulang.

Sa panayam ng YES FM News Center Boracay, sinabi ni Boracay Administrator Glenn SacapaƱo na sa katunayan ay naitala na sa helpdesk ng DSWD ang tungkol dito.

Hindi naman umano nagkulang ang ahensya na ipaliwanag na trabaho nilang hulihin ang mga ito, lalo na ang mga batang nagkakalkal ng mga basura.

Pasaway pa rin umano talaga kasi ang mga ito, dahil matapos makuha ang mga basurang mapapakinabangan ay iniiwang nakatiwangwang ang mga basurahan o ang mga nakabalot na basura.

Anya, palagi umanong iginigiit ng mga magulang na paano na lang ang kanilang mga pamilya at kabuhayan kung huhulihin sila, bagay namang ipinagkatiwala na nila sa DSWD ang disposisyon tungkol dito.

Samantala, nanawagan din si SacapaƱo sa mga establisemyento partikular sa beach front, na pagsabihan din ang mga kabataan na huwag galawin o ikalat ang basura dahil babalik din naman ang perwisyo sa isla.

Matatandaang nitong nagdaang linggo ay sinabi ng administrador na kanilang huhulihin ang mga bata at mga magulang nilang nasasangkot sa ganitong problema sa Boracay.

No comments:

Post a Comment