Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang ama sa Boracay na
kinastigo ang mahigit 2-taong gulang na batang babae.
Paglabag sa Republic Act 7610 na mamy kinalaman sa child
abuse, exploitation and discrimination, ang kasong isasampa sa suspek na si
Daniel Louie Vertillo.
Ito ay dahil sa
ginawang pananakit ng suspek sa anak nito noong Linggo, kung saan napansin ng
isang nagmamalakasit na ginang ang ginawa nito.
Bagay na ipinabigay alam sa pulisya at ipinagamot ang hindi
na papangalanang bata na na-confine sa pagamutan hanggang sa ngayon dahil sa
tinamo nitong pasa at paso ng sigarilyo sa katawan.
Halos lahat na ng bahagi ng katawan ng bata ay nalamog na ginawa
ng ama.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Boracacy Police ang suspek at
nakatakda na rin ibigay sa panga-ngalaga ng Municipal Social Welfare ng islang
ito ang biktima.
Sa kasalukuyan ay ang Municipal Social Welfare ang
nagbabantay bata habang nasa pagamutan pa ito.
Nabatid na itinakas lamang umano ng ama ang bata mula sa kanyang
asawa na siyang ina ng bata at nagmula pa ang mga ito sa Maynila.
Hanggang sa ngayon ay sinusubukan tawagan ng pulis ang ina
ng bata, pero hindi ito makuntak.
Ayon sa imbestigasyopn ng pulisya, apat na araw pa lamang
ang mag-ama sa Boracay, at noong Lunes ay hinuli ito dahil sa walang habas na
pananakit sa anak.
Desidido naman ang hindi na papangalanang concern citizen na
siyang tatayong complainant sa korte, dahil sa awa at pagmamalasakit nito sa
bata.
No comments:
Post a Comment