Zero o wala pang insidente kaugnay sa nalalapit na mid-term
election ang isla ng Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Boracay PNP Chief Police Senior Inspector
Joeffer Cabural sa panayam ng himpilang ito.
Maliban umano kasi sa kooperasyon ng komunidad, mga
stakeholders at maging ng mga force multipliers sa Boracay, ang isla ng Boracay
ay hindi katulad sa ibang bayan na may mga taga suportang nagbabangayan o
nag-aaway.
Dagdag pa na dito sa buong bayan ng Malay ay parehong walang
katunggali ang kasalukuyang alkalde na si Mayor John Yap at ang kumakandidato
sa pagka bise alkalde na si Wilbec Gelito.
Ito rin ang sinasabing rason ni Cabural kung bakit ang
Boracay PNP ay wala pang naitalang kaso ng mga loss fire arms sa isla.
Magkaganon pa man, ipinaabot pa rin nito ang kahilingang
sana ay manatiling mapayapa ang Boracay hanggang sa matapos ang halalan.
No comments:
Post a Comment