Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
Naka-survive at ligtas na ngayon ang isang dolphin na dumagsa
sa baybayin ng Sitio Hagdan Barangay Yapak kahapon ng umaga.
Ayon kay Felix Jan Balquin, Marine Biologist ng Malay
Agriculture Office, muling ibinalik nila sa dagat ang bottle-nosed dolphin
makaraang ilipat ito ng lugar upang makapag-pahinga matapos pinapaniwalang naligaw
ito at napapad sa isla.
Ayon kay Balquin, kusang gagaling ang pinsala sa nguso na
dolphin na pinapaniwalang nakuha iyon sa kakasisid gawa ng pagkakaligaw ng mammal
na ito.
Nabatid din mula sa marine biologist na nasa 1.8 meter
ang haba ng dophil, na pinakawlan
din nila bago ang alas onse nitong umaga sa layong 1.5 kilometro na bahagi ng dagat ng
Yapak.
Ang pagdagsa umano ng species na ito sa Boracay ay isang
indikasyon na gumaganda na ang estado ng dagat dito dahil marami na silang
makakain kaya dito na sila dumadagsa.
Dahil dito may payo ngayon ang marine biologist sa publiko na kung
muling makakita ng ganitong uri ng species na mapadpad sa baybayin ng Malay at
Boracay, hangga’t maaari ay iwasang hawakan at palibutan ng tao ang mamal na
ito, dahil maaaring ma-stress na maging rason pa ng pagkamatay.
Kaya, hiling ni Balquin ay ipagbigay alam agad ito sa CENRO,
Bantay Dagat at Municipal Agricultures Offices.
Nagpapasalamat naman ngayon ang Municipal Agricultures
Offices sa kooperasyon ng mga mangingisda na nakakita, gayong din sa Coast
Guard, CENRO at Barangay na tumulong din sa kanila.
No comments:
Post a Comment