Maituturing umanong “generally peaceful” ang isinagawang
pagdirawang ng Pasko at Bagong Taon sa Aklan bago at ngayong pumasok na ang taong
2013.
Ayon kay P/Supt. Pedrito Escarilla, Provincial Director ng
Aklan Provincial Police Office, ikinatuwa nila at walang anumang naitalang
malaking insidente may kinalaban sa selebrasyon.
Maliban na laman sa ilang insidente umanong maitinuturing na
isolated lamang o karaniwang nangyayari mayroon o walang mang selebrasyon.
Kaugnay naman sa kaso ng mga biktima ng paputok, sa ngayon
umano ang hinihintay pa nito ang report kung mayroon man.
Sa ngayon ay pina-iimbestahan na aniya ang pangyayari sa
SOCO o Scene of the Crime Operatives Aklan hinggil umano sa isang babae na di
umano ay tinamaan ng ligaw na bala.
Ito ay upang malaman kung sinadya o talagang nabiktima ng ligaw
na bala ang 26-anyos na si Mayet Tulio ng Brgy. New Buswang, Kalibo na
ikinamatay nito sa kasagsagan ng pagdiwang ng Bagong Taon.
Ayon sa ulat, nagtamo ng tama ng baril sa dibdib habang
papasok sa kwarto ng kanilang bahay ang bikita, na siyang itinuturing na nag-iisang
biktima ng ligaw na bala kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon. #ecm012013
No comments:
Post a Comment