Aminado ang Pulis Boracay na problema talaga nila ngayon ang
mga tinaguriang “lady boy” sa islang ito.
Sa panayam kay Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
Deputy Chief P/S Insp. Fidel Gentallan, sinabi nito na marami na rin silang
naririning na mga usap-usap hinggil sa ginagawa ng mga lady boy na naghahatak
ng mga dayuhang turistang lasing lalo na kapag madalaing araw.
Kung saan ang ilan umano sa mga ito ay nakilala na rin ng
Pulisya sa ganitong gawain lang.
Kaya may pagkakataon minsan na kapag nakikita nila ang mga
ito ay sinasaway na rin nila at pinapaalis kung saan pumi-puwesto ang mga ito.
Nahihirapan din umano ang awtoridad na nahuli o maaktuhan
ang mga lady boy na ito sa kanilang gawain sapagkat tila ang mga Pulis din ang
binabantayan na kapag nakatalikod na sasalakay na rin mga ito.
Ganoon pa man, mayroon naman umano sila minsang nahuhuli.
Subalit makaraang ibalik ang mga gamit na ninakaw mula sa
mga turistang ito, hindi na aniya sinasampahan ng kaso kaya paulit-ulit lamang sa
ginagawa ang mga ito.
Kung maaalala nitong taong 2012, nauso na sa front beach ng
Boracay ang di umano ay panghaharang ng mga prostitute na lady boy sa mga
lasing na turista at inaalok ng serbisyo saka nanakawan. #ecm012013
No comments:
Post a Comment