Kung may paggalaw man sa presyo ng Noche Buena products sa
Aklan sa mga panahong ito, napakaliit lamang umano ito ayon sa DTI.
Sa panayam kay Department of Trade and Industry o DTI-Aklan
Director Diosdado Cadena, sinabi nitong rasonable naman ang limang pursiyentong
dagdag presyo sa mga produkto na mabibili ngayong magbabagong taon.
Subalit, wala na umanong tataas pa sa limang pursiyentong
pagtaas na ito.
Aminado si Cadena na tumaas nga, pero bahagya lamang at
hindi naman lahat kundi mga piling produkto gaya ng Ham, condense milk, fruit
cocktail, mayonnaise, pasta at pasta sauce.
Ganoon pa man, ang mga nabanggit na produktong ito umano ay
marami namang mapagpipiliang mga brand.
Kaya depende na sa mga mamimili kung ano ang kakayanin ng
kanilang budget.
Samantala, pinasiguro naman ng DTI na may sapat na suplay ng
Noche Buena Products sa Aklan.
Ito rin umano ang rason kung bakit hindi gaanong nagmahal
ang mga pangunahing bilihin para sa pagsalubong ng Bagong Taon. #ecm122012
No comments:
Post a Comment