Tuloy na tuloy na ang pagtatambak sa bahagi ng isang lawa sa
Boracay na dadaanan ng proyektong circumferencial road.
Sapagka’t tinapos na ng DENR at DPWH ang kanilang bangayan
sa ginagawang pagtatambak sa nasabing lawa sa mainroad ng barangay Balabag.
Nabatid mula kay Boracay CENRO officer Merza Samillano na may
hawak nang CNC o certificate of non coverage ang DPWH, na siyang clearance mula
sa Department of Environment of Natural Resources o DENR para matuloy na ang
ginagawang pagtatambak doon bilang bahagi ng kalsada.
Mismong central office ng DENR na umano ang nagbigay ng CNC
para matuldukan na rin ang usapin at makausad na ang nasabing proyekto ng DPWH.
Pero nabatid mula kay Samillano na bahagi lamang ng lawa ang
tatambakan.
Una nang umalma ang DENR nang magsimulang magtambak doon ang
DPWH na walang kaukulang permiso mula sa kanila, gayong ang lawa na ito sa isla
ay isa sa mga pinoprotektahan ng DENR.
Kung maaalala, mismong ang DPWH-Aklan na rin ang nagsabi na
nagkaroon ng isyu ang dalawang departamento kaugnay sa proyektong ito sa
Boracay kung saan ang kanilang mga kalihim na umano ang nag-usap para masolusyunan
ang nasabing suliranin. #cm122012
No comments:
Post a Comment