Umabot halos sa 9,000 na helmet ng mga motorista sa Aklan
ang pakapasara sa pagsusuri ng DTI at natatakan ng ICC Sticker.
Pero kung ikukumpara ayon kay DTI Aklan Director Diosdado Cadena
sa bilang na nakarehistro ngayon sa Land Transportation Office (LTO) Aklan na
may labin apat na libo at pitong daan motorsiklo.
Kaya mas marami pa rin ang hindi nagsuri ng kanilang helmet
kaysa sa nagpatatak sa DTI.
Nasa 30% lamang kasi ang mayroong ICC Sticker na sa ngayon
at may pitongpung pursiyento pa ang wala.
Bagay na hindi naman umano malaman ng DTI kung bakit hindi
nagpakita sa tanggapan nila ang 70% na ito para nagpa-inspeksiyon ng helmet.
Nabatid mula kay Cadena na mahigit pitong libo at walong
daang helmets ang natatakan na nila na Import Commodity Clearance (ICC)
Sticker.
Habang isang libo at isang daan naman ang mayroon ng ICC na
agad ng binili ng mga may-ari bago ipa-inspeksiyon sa DTI.
Umabot naman sa mahigit limang daan ang hindi na pumasa pa
sa helmet standard kaya hindi na inaprobahan ng ahensiyang ito.
Ito ay sa ginawang pagsi-sertipiko ng DTI Aklan sa mga
helmet kung ligtas pa ba itong gamitin ng mga motorista at sa mga angkas ng mga
ito.
Ganoon pa man, bahala na umano ng LTO sa mga hindi nagpasuri
ng kanilang helmet dahil may alituntunin ding sinusunod ang LTO para sa mga
mahuhuling motorista na walang ICC sticker ang helmet.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi na tumatanggap pa ng mga
ipapa-inspeksiyon na helmet ang DTI Aklan matapos na magdeadline sila noong
ika-29 ng Disyembre taong 2012 na sinimulan naman noong Hulyo ng nasabing taon
din.
No comments:
Post a Comment