Zero fire Cracker incident sa pagsalubong ng 2013.
Kaya labis na ipinagpapasalamat ngayon ng Pulis Boracay
dahil sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon dito sa isla ay
walang naitalang kaso na may nabiktima ng paputok.
Ito ang inihayag ni P/S Inspector Fidel Gentallan, Deputy
Chief of Police ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Matatandaang noong nakaraang taong sa pagsalubong sa taong
2012 ay nakapagtala ng isa biktima dahil sa pagpapaputok.
Aniya maliban sa “zero fire cracker incident”, wala din
umano silang naitalang ano mang krimen o insidente may kinalaman sa pagdiriwang
Pasko at Bagong Taon.
Kahit pa sinabayan ito ng napakaraming dagsa ng turista kung
ikukumpara noong mga nakalipas na taon ay naging maayos naman ang selebrasyon
sa pagkukumahog na rin ng mga awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Bunsod nito, ikinatuwang inihayag ni Gentallan na naging
mapayapa ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa isla. #ecm012013
No comments:
Post a Comment