YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 18, 2014

Umano’y panggagahasa sa isang babae sa Boracay, iniimbestigahan na

Posted July 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Iniimbistigahan na ng Boracay WCPD o Women and Children Protection Desk ang umano’y panggagahasa sa isang babae sa Boracay.

Kaugnay ito sa nangyaring pambubogbog kaninang madaling araw sa Barangay Balabag na naging dahilan upang isugod sa ospital ang isang lalaki.

Magugunitang  sinabi ng mga suspek na hinanap nila ang biktima na nakilalang si Kyl Brian Braulio, 18 anyos ng Tigayon, Kalibo, Aklan upang mapanagot sa umano’y ginawa nito sa kasama nilang babae.

Base sa nakalap na impormasyon ng himpilang ito, naganap ang umano’y pang-aabuso sa biktima kaninang madaling araw sa Sitio Cagban, Barangay Manoc-manoc.

Samantala, aminado naman ang mga suspek na hindi sana nila nilagay ang batas sa kanilang kamay sa kabila ng kanilang galit sa nabugbog nilang si Kyl.

Nabatid na isa sa tatlong lalaking suspek ang nagsasabing asawa niya ang 20 anyos na babaeng ginahasa.

No comments:

Post a Comment