YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 14, 2014

Para maibsan ang trapik “One way lane” sa Boracay pinag-aaralan na ng LGU Malay

Posted July 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinag-aaralan na umano ngayon ng Local Government Unit ng Malay ang “one way lane” sa isla ng Boracay para maibsan ang problema sa trapik.

Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, matapos na mapag-usapan ang nasabing problema bilang paghahanda sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit 2015 sa isla.

Ngunit kinakailangan pa umanong mag-implement ng re-routing ang LGU at dadaan pa sa ilang public hearing bago ito maipatupad sa Boracay.

Sinabi pa nito na ang mga sasakyang mula sa Brgy. Manoc-manoc na didiretsong Bry. Yapak ay maaari nang dumaan sa circumferential road kung saan ilan pa sa gagamiting kalsada ay ang area ng Sitio. Bolabog.

Aniya, sakali umanong matuloy ito ay inaasahan nilang maraming reklamo ang kanilang matatanggap mula sa mga commuters dahil kinakailangan pa nilang maglakad ng may kalayuan para magbantay ng masasakyan dahil sa one lane policy.

Sa kabila nito, kukuha rin ng pulso ang DOT at ang LGU Malay mula sa mga stakeholders at mga residente sa isla kung sila ba ay tutol dito o hindi.

Samantala, ang nasabing plano ay pag-aaralan din ng Transportation Office ng Malay para maibsan ang problema ng trapik sa isla lalo na kapag week-end at panahon ng summer.

No comments:

Post a Comment