YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

DOT Boracay, nagpaalala sa mga tour guide kaugnay sa kanilang promotional activities sa isla

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dapat magpaalam sila.

Ito ang paalala ngayon ng DOT o Department of Tourism Boracay Sub-Office sa mga tour guide kaugnay sa kanilang mga promotional activities sa isla.

Kasabay ito ng pagkadismaya ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay nitong nakaraang linggo sa isang tour group na umano’y nagpumilit na magpalitrato sa loob ng simbahan.

Ayon sa HRP Boracay, pinagbabawalan ng simbahan ang basta na lamang pagpasok doon at gagawa ng kahalintulad na aktibidad lalo pa’t walang anumang paabiso.

Dahil dito, naiistorbo tuloy ang ibang nasa loob ng simbahan at nagdarasal.

Kaugnay nito, naging dismayado naman ang DOT sa nasabing asal ng mga tour guide. 

Nabatid na idinadahilan kung minsan ng mga tour guide na bahagi ng kanilang promotional activity ang kanilang pagkuha ng litrato sa simbahan kasama ang kanilang mga dalang guests. 

No comments:

Post a Comment