YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 18, 2014

Binata, pinagtulungang bugbugin; mga suspek, kalaboso

Posted July 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Kalaboso ang inabot ng tatlong lalaki at isang babae matapos umanong bugbugin ang isang binata sa Boracay kaninang madaling araw.

Subali’t iginiit naman ng mga suspek na ginahasa ng biktima ang kasama nilang babae kung kaya’t hinanap nila ito at binugbog.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang mga suspek na sina Jude Pineda, 24 anyos, Louie Olds 27 anyos ng Kalibo, Aklan at Ric Layug, 34 anyos ng Numancia, Aklan, at ang kasama nilang 20 anyos na babae.

Ayon pa sa mga suspek, hinanap nila ang biktima na nakilalang si Kyl Brian Braulio, 18 anyos ng Tigayon, Kalibo, Aklan upang mapanagot sa umano’y ginawa nito sa kasama nilang babae.

Samantala, kaagad namang inimbistigahan ng Boracay PNP-Women and Children Protection Desk o WCPD ang babae kaugnay sa umano’y panggagahasa sa kanya ng kanilang binugbog.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital si Braulio dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan dulot ng nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment