YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 18, 2014

Boracay Airport, magiging operational na sa 2016

Posted July 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Magiging operational na ang Caticlan Airport o kilala din sa tawag na Boracay Airport.

Ito ang kinumprma ni DOT o Department of Tourism Boracay Officer In Charge Tim Ticar kaugnay sa nagpapatuloy na expansion o pagpapalapad sa nasabing paliparan.

Bagama’t hindi na muna ito nakapagbigay ng iba pang detalye kaugnay sa nasabing proyekto, sinabi naman ni Ticar na masasabayan na ng nasabing airport ang mga domestic at international flights para sa lumalagong turismo ng Boracay.

Samantala, sinabi pa ni Ticar na marami pang plano ang pinag-uusapan ng iba’t-bang ahensya ng pamahalaang lokal at nasyonal kaugnay sa mga development bilang paghahanda naman sa APEC 2015.

Nabatid na inaprobahan ng National Economic Development Authority ang nasabing proyekto nitong nakaraang taon ng 2010.

No comments:

Post a Comment