YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 28, 2014

Problema ng mga helmet diving operators sa Boracay, idinaan sa MOA

Posted July 28, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Idinaan na lang sa MOA o Memorandum of Agreement ang problema ng mga helmet diving operators sa Boracay.

Kaugnay nito, inaasahang matutuldukan din ang problemang dulot ng mga illegal na komisyoner sa mga nasabing operators.

Ayon kasi kay Boracay Island Chief Operation Officer Glenn SacapaƱo.

Nagkasundo naman ang mga nasabing operators kaugnay sa kanilang rate o presyo matapos ang halos isang buwang pagpupulong.

Naihanda na rin umano ang MOA para dito at inaasahang isasapinal na darating na Lunes.

Samantala, nanawagan naman si SacapaƱo sa mga nasabing operators na tuparin ang kanilang MOA upang hindi maapektuhan ang turismo ng isla.

Magugunitang nagbabala ang administrador na iri-revoke ang business permit ng mga helmet diving operators sakaling mahuli ang mga itong gumagamit ng komisyoner sa pagma-market ng kanilang serbisyo.

No comments:

Post a Comment