YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 30, 2014

Lalaki sa Boracay, pinagtulungang bugbugin ng magkasintahan

Posted July 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang isang lalaki matapos na umano’y bugbugin ng magkasintahan.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang nagrereklamo na si Jupiter Mateo, 37 anyos ng Sta. Fe Romblon habang kinilala naman ang nambugbog na si Mark Ortega at hindi nito pinangalanang kasintahan.

Ayon kay Mateo, bigla umano itong nilapitan ng magkasintahan at sa hindi malamang rason at walang probokasyong binugbog.

Samantala, nakatakda namang magharap sa barangay ang dalawang panig.

No comments:

Post a Comment